top of page

SPIRULINA capsule

Ang spirulina ay 65% protein at amino acids kabilang na ang acid gamma linolenic acid (GLA) na kilalala sa anti-inflammatory properties nito. Isang natural na algae (cyanbacteria) ang spirulina at may mataas na lebel ng protein, anti-oxidants, B-vitamins o B-complex na mahalaga sa cell metabolism. Meron ding omega 3, 6 at 9 ang spirulina na makakabuti sa puso laban sa masamang kolesterol. Maraming nakaimbak na chlorophyll ang nasa spirulina at nag-aalis ng toxins mula sa dugo at nagpapalakas ng immune system. Nasa spirulina rin makukuha ang mataas na konsentrasyon ng bio-available iron at makakabuti lalo na sa mga buntis upang malabanan ang anemia, hindi rin ito magdudulot ng constipation. Ang protina na nasa spirulina ay bioavailable na madaling ma-absorb ng katawan. Ang iba pang mineral na makukuha mula sa spriulina ay copper, iron, manganese, selenium (may glutathione peroxidase at vitamin E), chromium (makakatulong sa normal glucose) at zinc (maraming enzymes). Ito ang mga metallic elements na kailangan ng katawan. Ayon sa European Association of Metals, ang metallic elements ay mahalaga sa kalusugan ng tao dahil meron itong trace minerals at may integral part sa metabolic at biochemical process maging sa cellular function. Ang Dok F Spirulina Capsule with Fulvic Mineral ay makakatulong sa katawan dahil tunay na sagana sa protina.

 
 
 

Comments


bottom of page